Mapanuri Review: 2012


abcd0015

Watch the 2012 Movie Trailer (HD) here

Film Synopsis: Hundreds of years ago, the Mayan calendar predicted that the world would end on the year 2012. Now, the time has come, and a chain of natural disasters has left millions dead and cities in ruins. The remnants of this cataclysm make one last bid for survival, pulling mankind together for one last effort. – thank you clickthecity.com

Bago ang review-reviewhan ng pelikula ay may magbacktrack muna tayo 2 hours bago ang showing.  Hindi dapat kami manunuod ng 2012 ngayong Friday the 13th.  Ded na si Lolo ang dapat naming papanuorin ngunit 6:30 ng gabi ay nasa SM Megamall pa lamang kami.  Ang ninanais namin na pelikula ay ipalalalabas ng 7:30PM at sa New Manila, QC pa iyon – kamusta naman? Tinangka pa namin habulin ang oras ngunit sadyang ayaw lang nitong magpahabol.  Sanlaksa ang mga taong nag-aabang ng masasakyan, mapa-taxi man o FX kaya no choice kami kungdi i-giveup ang naunang plano.  Malamang alam nyo na ang susunod na kabanata…… tumpak! kaya ko sinusulat ang review na ito.

As expected mahaba ang pila sa ticket booth dahil first shooting day ito.  Tatlong sinehan (o apat ba?) ang binuksan para sa palabas na ito.  Hindi ko nga inakalang ganito naging interesado ang mga tao na panuorin ito – wala masyadong TV advertisement, na-overshadow kasi ng New Moon.

Dumating ang oras ng pagpasok. Kinse minutos para alas-otso pumasok na kami ni katotong Boggs. As expected (again), puno na sa itaas ang mga upuan at no choice (again?) at sa baba kami naupo.  Magulo na ang mga tao na para bang masyadong excited sa papanuorin.

Nagsimula ang pelikula.. Tumahimik na ang lahat..

abcd00181

abcd00171

Review Proper:

Maganda ang pelikula.. period..  Typical lang ang istorya dahil sa pamagat pa lang at sa poster eh makikita mo na kung ano ang ending.  Adik na lang siguro yung magtatanong kung ano ang mangyayari sa pelikula.  Naging curious ako kung anong istorya ang ilalapat ng mga scriptwriter sa pelikula.  Again, typical dahil it’s about a family’s story – pamilya ng bidang tauhan (John Cusack).  The usual conflicts sa family na may iba ng asawa yung asawang babae (Amanda Peet) nung bida at may mga anak sila.  Kagandahan lang ay inilapit pa rin ito sa realidad ng buhay at sa kasalukuyang panahon – kahit na 2009 pa lang ngayon at 2012 na nun.  Naging predictable ang ilang eksena ng mga tauhan dahil mabilis mo ng malalaman ang relasyon at koneksyon nila sa isa’t isa.  Nagkaroon pa ng love angle sa pagitan ng scientist na nakadiskubre ng paggunaw ng mundo (Chiwetel Ejiofor) at ng anak ng US President (Thandie Newton – na by the way ay hindi ko nagustuhan ang acting dahil parang laging nag-fflirt kahit sa mga eksenang tatay nya ang kasama nya at umiiyak sya, hindi ko lang din maintindihan kung bakit).  Dapat tinanggal na lang ung love angle na yun dahil wala naman sa personality ni scientist ang makipagflirt, although binata naman at.. sige na nga! pagbigyan na.. 😀 Tumatak sa mga manonood ang karakter ni (Charlie) Woody Harrelson na naging susi para mapagtanto ni Jackson (Cusack) ang magaganap na catastrophe at kung saan makikita ang mga modernong Noah’s Ark.

Harrelson’s acting was short but unforgettable.  Cusack’s performance was also consistent so as Danny Glover’s, Oliver Platt’s and Zlatko Buric’s – ang rusong bilyonaryo na may pagka-kups na kahit hindi maintindihan mag-english eh pasok rin sa banga ang karakter.  Kakaiba ang istilo na ginamit ng direktor (Roland Emmerich).  Di tulad ng ibang pelikula na walang ibang pakay kungdi gunawin ang mundo, hindi nila ginawang sersyoso ang pelikula.  Nilapatan nila ng humor ang pelikula sa personalidad ng mga karakter ni Cusack at Buric.

Eto na.. Ang pinakarason kung bakit ko gustong i-blog ang pelikulang ito – dahil sa special at visual effects na ginamit sa pelikula.  Walang panama ang Armageddon (kahit di ko pa napapanuod), Deep Impact, Transformers (kahit puro robot lang to), Independence Day, The Day After Tomorrow atbp.  Malamang todo-todong salapi na naman ang ginasta para lamang sa mga nagbibiyakang lupa, gumuguhong mga gusali, nagbubulwakang mga lava, naglalakihang tsunami at nagsasabugang mga sasakyan.  No wonder, estimated $200M-$250M ang production budget ng pelikula.  Mabigat sa puso makita ang effects ng pelikula – ibig sabihin, effective sa mga manunuod.  Hindi ka titipirin sa kung ano talaga ang pakay ng pelikulang ito – ang sirain ang mother earth at lipulin ang mga tao.  Hindi bitin ang mga pagsira sa mga daan at sasakyan.  Lalo na siguro kung sa Dolby Surround or I-MAX kami nanuod – baka hindi ko na yun kayanin (ang OA lang.. hehe).  May iba lang na hindi pa pulido na halata pa ring effects lang – pero negligible na rin.  Kakamayan ko talaga ang mga programmers na gumawa ng effects na yun dahil hindi pa nakikita yun sa pelikula, kung meron man, hindi ko ito pa napanuod at kung meron talaga ummmm… ok fine.

Para sa akin, reaction ng audience ang pinakabasehan kung maganda o hindi ang pelikula  – in addition, hindi rin sa dami ng tao.  Sabi ko nga, maganda ang pelikula kaya maraming nanuod at naging interesadong panuorin ito.  Kahit kami napapa-woohoo sabay tawa (kasi makulet ung pag woohoo namin.. 😛 ) sa mga eksenang almost makapigil-hininga.  Yung tipong hinahabol ang mga bida ng pagguho ng lupa na parang monster lang.  May mga eksenang hindi na lang sana nilagay sa istorya at may mga execution na hindi pasok sa script.  Nabigyan pa sana ng ibang atake yung pagsulpot ni Cusack mula sa pagkakatanggal nya nung cable na nag-stop ng hydraulics nung isang pinto ng modernong Noah’s Ark (kaya sila pinasok at muntik malunod sa tubig – tsk! kasalanan pala nila! :D) Predictable kasi na lalabas naman sya kasi sya ang kaya ang bida.. hayz… pinatagal pa kasi ng ilang segundo yung pagsulpot nya na gustong ipasuspense pa ng direktor na mamamatay pa sya ( eh patapos na kaya yung pelikula).  Anyway, malamang pinagbigyan na yun ng mga tao dahil expected na nga – ang korni lang kasi talaga 😀  Sulit naman ang 160php na bayad sa sinehan dahil 2 hours and 45 minutes ang run time.

Ang Hatol: Worth it dahil sa special effects! Pagkatapos ng trabaho, yayain ang pamilya o mga kaibigan at panuorin.. Worth it! (oo nga..kulet! )

Isa lang paalala.. Mas magandang panuorin kung sa Dolby Surround na theater or sa IMAX sa MOA or SM North Edsa para ramdam na ramdam lang… at mag-stock na ng eroplano sa bahay at mag-aral magpalipad nito.. 😛

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s