CAMPI’s 3rd Philippine Motor Show


Off to World Trade Center! August 22 was indeed a day for Cars and Babes.  It’s our first time to go to a Car show that’s why we’re excited.  We just wanted to shoot and shoot until we’re tired.  The Auto-Show started on August 19 and will last until August 22, 2010.  We opted to visit the event on its last day anticipating that there will be contests, activities, lots of cars to be showcased (and lots of people) – and we were right! 🙂 Nakakapagod mag ikot pero sulit kasi kahit saan ako tumingin, magaganda ang nakikita ko.. 😛

 

Here’s the participating car manufacturers (and the lovely models):

Volvo C30

Sayang lang wala si Ate Loi dito, she’s one of our good friends who’s been with Volvo for almost 10 years already (ata.. )  She just gave birth to Amelia kasi.. 🙂  Wala rin akong nakitang model ng Volvo.  I wonder why.

Dodge

Ang pangarap kong DODGE.. Neto ko lang nakilala tong brand na to nung nagphotowalk kami for Scott Kelby.  Dumaan lang naman sa harap namin habang nasa eskinita kami ng Binondo, Maynila 🙂 Wala rin akong nakitang model nila – malamang sa malamang ay hindi na nila kailangan.  Their brand is enough reason para puntahan sila ng tao.

 

Porsche

 

Hindi ko sure kung “PORSH” ba or “PORSHA” ba ang tamang bigkas – either way, PORSH ang alam kong tama.  Isa rin to sa mga pinapangarap kong kotse. Namigay sila ng brochure ng mga upcoming car models.

Toyota Hybrid I

Isa sa mga concept cars ng Toyota.  Agaw pansin ang itsura nya dahil futuristic at agaw atensyon rin kasi ang kulay.   Pero mas agaw pansin ang mga Models. 🙂

Mercedes Benz SLS SMG

Isa pa to.  Hindi na kelangan ng mga models at kung anu-ano pang gimik.  CHEDENG ata yan!

BMW

Though luxury car rin, may mga models ang BMW.  At sa kanila ko nakita ang pinakamagandang model para sa akin.. Ayan sya sa itaas. 🙂

Audi

Hindi ko alam kung saan gawa ang Audi pero isa rin to sa pinapangarap ko.. (Ang dami mo lang pangarap! lahat na! – anonymous)..

Kia Soul

Naalala ko lang bigla yung celfone at laptop na kinustomize.. 😛  at sabay ko ring naalala ang ex ko.. hehe joke 🙂

Chevrolet Camaro

Sino ba naman ang hindi nakakakilala dito?  Sa lahat ng kotse dito, eto ang hindi nawawalan ng tao at hindi nawawalan ng photographer.  Wala tuloy akong matinong kuha dito kasi laging may may mga tao kahit saang anggulo. Magaganda rin ang mga modelo na pinagkakaguluhan rin.

Kanya-kanyang gimik ang bawat booth pero sa tingin ko mas tinao talaga ang Chevrolet.  May nag-cosplay pa ng Bumblebee at Optimus Prime.  Ang Volvo, may body-art painting for kids.  Ang Honda may Ballet presentation from professional ballet dancers.  Ang Hyundai, may foreign acrobats na nakakaelibs talaga.  At the end of the day, marami pa ring tao ang dumagsa sa naturang event.  May mga fun games rin sa may lobby at test drive ng mga sasakyan.  Hindi lang kami pinalad makapagtest drive dahil pagod na at mahaba ang pila – pero next time hindi ko na palalampasin yun! 😛

 

Advertisements

4 responses to “CAMPI’s 3rd Philippine Motor Show

  1. i agree! ang ganda ng mga cars at models. sana matupad lahat mga pangarap mo na kotse. hahaha!

  2. Hi I thing the car you name hyundai soul is really a KIA soul , KIA is currently releasing new models to compete with the market dominated by Toyota and honda

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s