Banapple at last!


Eto na ang pinakahihintay na Banapple.  Kwento muna bago makarating dun. Galing akong Antipolo at ang lakas ko magyaya pero hindi ko pa naman napupuntahan to.  Galing Marcos Highway-Katipunan intersection, nilakad ko hanggang Ateneo (kasi akala ko malapit dun kasi along Katipunan) kasi traffic na rin.  Wala namang problema kung maglalakad, mas trip ko pa un kesa matagal na nakaupo sa sasakyan.  Pero naalala kong pagkalampas lang pala ng tunnel from Libis yun.  So mali ang pinuntahan ko hehe 🙂 Taxi ang solusyon dahil naghihintay na si Mere. hehe

Banapple Katipunan (going to UP side)

Maliit lang pala talaga ung Banapple na parang bahay pero maganda ang itsura sa labas.  Maliit nga lang ba or dahil lang sa maraming tao?.. hmmm.. baka nga.. 🙂

Unang order:  Banoffee Pie at Dark Chocolate Tiramisu Cheesecake.

Dark Chocolate Tiramisu Cheesecake

Maraming masarap na cakes at sa murang halaga lang talaga.  Pinili namin ang Banofee at Dark Chocolate Tiramisu Cheesecake dahil enticing talaga ang itsura at malaki rin ang slice (100Php lang, 960Php ang isang buo – not bad!). Masarap naman ang Tiramisu Cheesecake pero hindi talaga ako fanatic ng chocolate, dark chocolate pa man din yan pero tinry ko pa rin 🙂 (for the sake of blogging.. haha).  Hindi rin namin naubos kasi malaki ung serving, pwede ng pang dalawang tao.

Banoffee Pie

Eto ang gusto ko.  Banana at Cofee in one.  Masarap – Panalo – Sulit! 85php lang per slice at malaki rin ang serving at 650Php ang isang buo – not bad ulit! Siksik-liglig ang saging bandang ilalim. Pangdalawang tao na rin ang serving kaya busog talaga. Hindi nga lang namin naubos kasi parehas na kaming nabusog 🙂 Umorder pa ng Baked Creamy Cheese Penne si Mere na NAPAKASARAP. Con-todo melted cheese na creamy talaga.  Yan pa naman ang weakness ko ung UBOD ng dami ng cheese tas melted pa. 🙂 Eto un oh:

Baked Creamy Cheese Penne

Pagpsensyahan na ang shots ko dahil ung 5800 ko gamit ko.  Hindi ko na dinala si D40 dahil wala pa syang bag na matino-tino.. 🙂 Mas marami pa akong nakain na pasta kesa sa cake haha.. Di ko talaga napigilan iendulge ng sarili ko sa melted cheese na nakita ko.  Isang bowl yun at pang dalawang tao na rin. 🙂 Ang halaga, 175Php – Not bad para sa dalawang taong kakain! 🙂

Inside Banapple

Relaxing rin ang ambiance sa loob.  Isa sa mga napansin ko eh yung hindi nawawalan ng tao ang kainan na to.  Habang papagabi, (mga 6pm-7pm siguro) lalong dinadagsa ng tao.  Hindi ko nakitang walang pila sa cashier at hindi pumetix ang mga crew.  Isa pa pala, lahat ng servers ay BABAE.  Hindi naman siksiksan sa loob pero marami lang tao. Ang mga pumipila lagi, estudyante, employee, kolekiyala, barkada, pamilya, lahat na.  Hit na hit talaga tong Banapple.  At nung lumabas kami, mas marami pang naghihintay – kaya kelangan pumunta ng maaga para hindi mawalan ng parking at ng pwesto 🙂

Official website:  http://www.banapplekitchen.com/

Advertisements

9 responses to “Banapple at last!

  1. sa wakas. pero sana sinama mo kami sa iyong foodtrip. :p

  2. uy sarap dyan a. cge nga minsan eh kain tayo dyan. nakakagutom yung mga nasa pics.

  3. my golay, i heit you! natakam na naman ako, eh ang hirap hirap puntahan nyang banapple!
    funny kung kelan nasa ortigas na kayo, saka kpa dumayo ng banapple.. araw araw ko yang nadadaanan nung eastwood days.

    yes, im an ex-trender! sama ko minsan sa food trip! 🙂

    • ahahaha.. diba kung kelan kami lumayo tsaka ko pinuntahan, ganun na ako nagcrave.. hehe.. nagtampo nga sila khanto kasi hindi sila kasama ko dyan.. pero next time, kami naman tas iba iba na naman order.. para tikman lahat. hehe 🙂 yeah, join us sometime.. gusto rin namin ma experience ang travel escapades mo.. 😛

  4. P86 na pala yung banofee, dati P65 lang, oh well super sarap naman kasi,
    try mo next time yung hickory ribs, isa pa yang nakakamatay sa sarap..

    • yeah sarap.. and kahit nagtaas na sya, abot kaya pa rin.. 🙂 i’ll try that next time.. ang balak ko nga, sasama ko team ko then oorder sila ng iba-iba tas titikman ko lahat.. wais much?.. haha lol 😛

  5. Bernice Montemayor

    From Ateneo, ano pwede sakyan going to Banapple katipunan? (aside from taxi) 🙂 thanks

    • Hi Bernice.. I actually don’t know.. 🙂 Better get there first by taxi (or hitch a ride from a friend) then ask or look around if there are Jeepneys passing through Banapple.. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s