Crepes and Creams Cravings


After getting myself dizzy from the Travel Expo dahil sa dami ng tao, we decided to chill and take some snacks.  We landed at Crepes and Creams – and yes, ’twas my first time.. 🙂  It’s always exciting when it’s your first time.

Crepes and Creams

Salamat sa Picassa at nagawa kong collage ang mga pictures – kesa paisa isa pa.. 🙂

 

Banana Chocolate Temptation, 109Php

Pangalan pa lang matetempt ka na talaga.. for the nth time, hindi ako fan ng chocolates pero masarap to.. (at parang nagiging fan na ako – pero HINDI! :)) Masarap na kasi sa panlasa ung combination ng chocolate syrup with chocolate ice cream at nung crepe. Si Gepay at Joan ang umorder pero nakitikim lang ako.. hehe 109Php (hindi 99Php sabi ni Geps.. hehe) nga lang pero sulit na kasi masarap.  Malagkit lang sa kamay pag natuluan ka ng ice cream kaya kainin mo na ng kainin.. 🙂

Banana de Leche, 99Php

Eto ang inorder ko at hindi naman ka-leche-leche.. haha 🙂 Mapapaleche ka lang sa sarap kasi may nuts (pistachio ba un? – di ko lang sure eh… ) at banana toppings.  May Vanilla ice cream na isang scoop. Dun ko lang narealize na masarap ang combination ng nuts (unsalted) sa vanilla ice cream.

 

Cheesy Hotdog - asan ang cheese? asan ang hotdog?.. 😛

Walang price na nakalagay kasi hindi ako sure.. Tatanong ko pa kay Merck dahil sya ang umorder nyan. Malamang ay nagutom si Merck dahil gusto nya ng hotdog.  Hindi nga lang kita ung hotdog dahil nasa loob pa.  Mejo maasim raw yung catsup na ginamit kaya hindi nya naubos at pinabalot na lang.

Malamang ay mabalik ako dito dahil masarap na merienda ang crepe.  It made me think na i-try rin gumawa nyan sa bahay, only time will tell… haha

RECOMMENDED ang Crepe!

Advertisements

9 responses to “Crepes and Creams Cravings

  1. i like mine with mango, brownies + strawberry syrup. wagi! ♥

  2. ang sarap naman nyan 😉

  3. @chyng: sarap sarap!.. tratry ko lahat sa isang crepe!.. hehe 😛
    @arlini: Sarap ngang tunay! 🙂

  4. Cheesy hotdog? where’s the hotdog? bwahahaha

  5. ganda ng kamay nung model.. ^_^ kung makikita lang pati mukha malamang magandahan din yung mga makakakita 😀

  6. Hirap talaga kunan ng crepe nila kaya kahit lagi ako kumakain don wala pa akong blog entry about it, haha!

    Mas gusto ko yung savory crepes nila, beef taco or kani mango para hindi ako nagmamadali kumain 🙂

  7. I’ll try that Madz :).. kung hindi lang messy kainin ung may ice cream makakarami ako.. 🙂 kelangan may kasama to help you take photos.. I want to take pictures nga habang ginagawa, too bad maraming tao that time.. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s