Kainan sa Tabing Lawa in Tanay, Rizal


Okay lumayo muna tayo sa mga fancy (but affordable) restos sa Siyudad.  Magawi muna tayo sa probinsya (pero hindi naman kalayuan) ng Rizal – sa Tanay.  Onting background bago pumunta.  Dapat ay dalawang sasakyan kami kaso naging isa na lang dahil ang “mapagkakatiwalaang” kotse na si TAJ (hindi Bello.. :P) ay tinopak.  Kung kelan paalis nga naman – great timing!

From Antipolo, inabot lang ng 40 minutes ang byahe – malapit lang pala di tulad nang inasahan kong 1.5 hours.  Bakit dito kami dumayo? – dagdag kwento ulit.  Naalala ko lang to bigla dahil nung mga bata pa kaming magpipinsan at dumarayo kami para kunin ang pinagawang mga pampasaherong Jeep ng Inang ko, dito kami kumakain.  Ang tawag namin dito ay Parola (lighthouse) dahil malapit to sa parola na may katabing lawa.  Last na punta ko dito ay elementary pa ata ako.  Isa kasi ako sa bibong apo ng Inang ko na laging sumasama sa mga escapades ng Jeep – kasama syempre ang mga iba ko pangn bibong pinsan. 🙂 At dahil gusto ko masulit yung mga natitirang days na andito pa parents ko (aalis na kasi sila for US in a few weeks), time for bonding-bonding muna.  Para na rin maiba sa nakagawian na lalabas kami para mag-mall or kakain sa GOLDILOCKS.

Ang Menu

Nanibago ako sa itsura ng “Parola” malamang dahil sa marami ng bahay sa paligid at maliliit pa kami noon.  Plain lang ang itsura ng loob at akala ko, tabing tabi sya ng lawa na maganda ung view.  Hindi pala.  Tabi nga sya ng lawa pero puro water lily ang makikita.  Kita na rin naman yung palaisdaan at kalawakan ng Laguna de Bay.  Hindi maliwanag sa loob dahil sikat lang ng araw gamit – cost cutting siguro sa kuryente pero oks lang naman.  Madidilim lang ng onti ung shots ko (low light kasi).

Order order na.

Top: Inihaw na Baboy Center: Sinigang na Hipon sa Sampalok & Plate ni Dokis Bottom: Pansit Bihon All Filipino Food!

Medyo matagal i-serve ang pagkain.  Umabot ata ng 15-20 minutes ang paghihintay namin.  Siguro dahil paluto at dumarami ang taong kumakain. 🙂  Paglapag ng pagkain – nilantakan na.. 🙂 galit-galit muna and in 10 minutes, UBOS! Iba talaga pag pagkaing Pinoy – malinamnam 🙂

Umabot lang ng 1900Php++ ang bill namin considering na 4 kids plus 8 adults at yung adults, malalakas ang appetite… hehe 🙂 Busog, sulit at ibang experience dahil ngayon lang ulit ako nakakain sa dahon ng saging.  Ramdam na ramdam ang pagka-Pinoy!

Para sa mga gustong dayuhin ang lugar na ito

Advertisements

3 responses to “Kainan sa Tabing Lawa in Tanay, Rizal

  1. masarap kumain lalo na pag naka-kamay.. 🙂

  2. Kelan mo kami ililibre jan?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s