Ang Pulo – Food Selections


Here it is.. este here they are! 🙂 As a follow up to the previous blog entry, Ang Pulo – a new hangout in Ortigas may I now present to you the things that we put in our stomachs to satisfy our cravings.

1.  Puto Rice – tawag ko lang yan sa kanin na inorder namin.. Wala syang halong puto – mukhang puto lang kasi.. 🙂  Hindi mawawala ang kanin sa bawat piging (read: pagititipon, tipar) ng pinoy.

Puto Rice

2.  Onion Rings – not your ordinary Onion Rings! Bakit kanyo? may topping na hotdog. 🙂 Mas iisipin ko pang Sweet and Sour hotdog to with onion ring toppings 🙂 Masarap at kakaiba sa paningin.  Maganda ang presentation – dagdag pulutan rin.

Onion Rings with Hotdog Toppings

3.  Baked Tahong – ako ang promotor kung bakit nasa mesa ang pagkaing yan.  Dahil gusto kong matikman halos lahat ng nasa menu, pinili ko to kahit medyo may kamahalan (chip in naman kami kaya oks lang.. hehe) Mukhang magagaling ang chef nila dahil masarap rin ang pagkakaluto.  Hindi oily at lasap na lasap ang melted cheese .

Baked Tahong

4.  Crispy Pata – walang tatalo dito dahil isa to sa mga masasarap na crispy pata na nakain ko.  Maliban sa highblood na makukuha mo, may french fries toppings pa.  Mahilig sila maglagay ng toppings sa mga sineserve na food – na pandagdag attraction sa pagkain. Kudos!

Crispy ni Pata

5.  Sizzling Pork Sisig – Ang hindi pwedeng mawala sa inuman at casual na kainan.  Ang napansin ko lang eh hindi sya purong lamang loob at parte ng tenga ng baboy.  Malaman ang sisig na hinaluan ng white onions as toppings.

Sizzling Pork Sisig

5.  Inihaw na Tilapia – Boneless kaya walang masasayang na laman. May kasamang itlog (hindi ko lang sigurado kung maalat o hard boiled) na toppings.

Inihaw na Tilapia

6.  (Inihaw or Pritong) Daing na Bangus – Again, hindi ko na matandaan kung prito or inihaw pero base sa picture, mukhang pinirito 🙂 Hindi oily yung isda kaya masarap kainin – di ka magwoworry sa cholesterol level mo (kasi isinabay pa sa crispy pata at sisig 😛 lol) May fried bawang na toppings at boneless rin.  Mas malaki pa sya sa pinggang pinaglagyan nya at lampas pa ng isang dangkal ang sukat. Huwaw!

Daing na Bangus

7.  Nilagang Baboy – Mahiyain yung baboy kaya hindi kita sa picture.  Tamang-tama ang timpla ng sabaw.  Hindi lang masyado napansin dahil pangtanghalian ang ulam na to pero naubos pa rin.  Yun nga lang, mas naunang naubos ang mga pagkain sa itaas. 🙂

Nilagang Baboy

8.  Eto ang pinaka-angat sa lahat at walang tulak kabigin – ang Potato Chips.  Hindi yan galing sa binuksang chichiria.  Authentic na patatas na pangdagdag pulutan. At sa muling pagkakataon, hindi nagtagal ang buhay nyan sa lamesa. 🙂

Hulaan nyo...

9.  Tempura – Sa di inaasahang pagkakataon ay wala akong nakuhang litrato nito.  Naghintay pa naman kami ng 45 minutes dahil matagal raw talaga iprepare at lutuin ang tempura.  Paglapag sa lamesa, limas! Wala pang 5 minutes ay parang bulang biglang naglaho ang mga breaded hipon. Swerte ko na rin pala dahil kung kinuha ko ang camera ni Merck (salamat pala sa pagpapahiram sa akin :)) ay baka bakas na lang ng breadings ang nakain ko.. 🙂

Paumanhin lang dahil hindi ko na matandaan ang mga presyo nyan pero affordable naman.  Kasyang kasya na sa 15-17 katao na hindi ko sasabihin na ang ilan ay may katumbas na dalawang tao. lol 🙂 (pero sinabi ko pa rin. hehe).

Advertisements

5 responses to “Ang Pulo – Food Selections

  1. anna z. vergara

    sarap naman ng mga food! san yan sa ortigas?

    nakakatuwa description mo jep! hahaha!

  2. loser ako eh, di ako kumakain ng baked tahong at sisig!
    pero inferness natakam ako sa crispy pata na yan!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s