Saging pala talaga.. ‘kala ko kamote! :)


On a side note, we had an early lunch today dahil sa bigla akong nanghina at nagutom.  The usual lutong bahay ulam meals ang tinda ni Manang sa 11th floor pantry. 

On the other side note, malas-malas ka nga naman kung makakapanuod ka ng game show (@11am, Channel 7) na hindi ung contestant ang maaasar – kungdi IKAW mismo na nanunuod.  Should I still say the name of the game show? – ako na ang ASAR.. pero hindi talo.. lol

Natapos kumain at parang nabitin lang ako.  Walang cloud 9 kaya naghanap ako ng ibang pwedeng panghimagas – something sweet 🙂 

Ang Maruya na Saging

*Boom* kumakain si JanAc nang saging na coated ng asukal – MARUYA raw. “hindi maruya yan” – sabi ko. “Kamote ang Maruya!” dagdag ko pa.  Nang magtanong ako kay Manang ng iba pang makakain, naitanong ko ang Maruya.  Saging nga raw talaga ang Maruya at hindi kamote (kamoteng kahoy to be exact)..

Chineck ko pa sa wikipedia at sinuportahan si Manang.  Tinanong pa ako kung taga -saan ako, sabi ko naman Antipolo.  Saging raw ang maruya sa Antipolo.  Pag kamote raw, “Kamote Cue yun” – akalain mong nagpatawa pa (eh kaso hindi naman nakakatawa.. :P) Isang malaking realization to para sa araw na to – kita nyo naman, pinagaksayahan ko pa ng oras para ma-blog 🙂  Nasanay kasi ako na kamoteng kahoy ang Maruyang nakagisnan ko simula pa bata ako – ngayon, nagising na ako sa katotohanan na SAGING ka pala! 😛 pero mas masarap pa rin ang kamoteng kahoy na maruya.

Yun lang.. Maisingit lang.. 🙂

Advertisements

9 responses to “Saging pala talaga.. ‘kala ko kamote! :)

  1. .. kamoteng kahoy na maruya kasi ung ginagawa ng tiya ko.. at palagi namin meryenda yun nun.. pag gumawa ulit, ipopost ko dito! 🙂

  2. sarap sa tag-ulan!

  3. Ang maruya ay madalas gawa sa saging. Pero dahil ang Antipolo ay isa sa mga lugar na mayaman ang kultura sa pagkain, maaring nagkaroon ng variation ang maruya na gawa sa kamoteng kahoy. Pero huwag mabahala, hindi dapat pagtalunan kung anong flavor ng maruya ang inyong kinagisnan, dahil parhon itong masustansya at masarap. Isa rin itong source ng utot.

    Ito po si Kuya Kim na nagsasabing ang buhay ay weather weather lang.

  4. wow, kuya kot with the saging news

  5. tama ka pa rin jep, para sa atin ang maruya ay gawa sa kamoteng kahoy. ang hirap kaya gumawa nun! gagadgarin mo pa ang kamoteng kahoy, hahaluan ng brown sugar at ipi-prito. masarap! favorite kaya natin merienda yun nung bata pa tayo. hahaha!

    yung maruya na saging eh modern version na. ganyan din ang tindang maruya sa canteen namin. hehehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s