What I gave myself this Christmas?


-OR-

Instead of buying myself a new phone or gaming console or camera accessory (though, I bought a prime lens na second hand, pero mura lang..), I decided to treat my pamangkins and bring them to a movie house on my rest day.  At dahil MMFF, RPG: Metanoia ang pinakaswak na panuorin na ma-eenjoy nila at ako na rin. I have been curious to see the 3D animation of this film and it didn’t fail me.  Check my movie review here.

Ulan!

Onting background of the story.. >>> The original plan was to watch RPG: Metanoia in Eastwood City para makita makapamasyal rin dito si JB at Ella at para maiba naman from the usual Sta. Lucia and Robinson’s Metro East.  Etong dalawa lang kasi ang pinakamalapit sa Antipolo.  🙂 Since TAJ (Ate’s car) is not fully functional, commute lang kami.  Baka sila pa magtulak ng kotse pag tumirik.. hehe 2:35PM ang screening sa Eastwood Cinema 5.  Past 1PM na nakaalis ng bahay at to my surprise, ayun umulan pa!.  Traffic na malamang yan pag nag byaheng FX Crossing pa kami so FX Cubao na lang ang sinakyan namin.  Sige pa rin ang ulan at to my surprise number 2, traffic sa Marcos Highway! sabay tingin sa orasan.. alas dos na.. anak ng tinapa..  pero kaya pa.. Baba kami ng Sta. Lu at dun maghihintay ng taxi papuntang Eastwood.

No Taxi?

Walang Taxi!

Akala ko tapos na ang mga surprises pero eto pa, to my surprise number 3, walang taxi na ma-para.  Tapos nagkalat pa rin yung mga jeep at barker – at umuulan pa nyan.. Hassle talaga ang magcommute pag umuulan.. Next year, dapat may wheels na.. hehe

Time Zone

2:20PM na, wala na, di na uubra sa screening.  Nagdecide na akong sa Robinson’s Metro East na lang.  Guess what? to my surprise number 4 (four-four-four-.. may echo.. hehe ) 4PM pa ang screening pero oks lang dahil may Time Zone naman habang naghihintay pero makailang segundo pa, sabi ko, “Hindi pala OKS, laslas wallet ko neto.. GASTOS!”.. 😛 Hindi ko pa dala yung Time Zone card ko kaya napabili pa ako ng 100Php value card na may free games sa yellow swiper – okay na rin.  Laro-laro muna ang kids habang naghihintay.. isang oras LANG naman ang hihintayin.  Basta ang 100Php na value, pang ISANG ORAS lang yan!.. 🙂 kaso hindi umubra, natuwa ako sa Game Machine na may itutulak na items at pag nalaglag sayo na.  16Php ang isang turn kaya naka 170Php muna ko bago ko nakuha yung item na Green Martian na gumagalaw yung ulo kahit walang baterya (may coil lang na solar powered.. ) para walang sawa yung paggalaw ng ulo.

3:30PM na, bilihan na ng tickets.  Buti na lang at dala ko yung receipts na ginamit ko ung CC ko.  May promo kasi ang Citibank na for every 1500Php spent eh may one free movie ticket (100Php worth).  Ayun, 180Php lang binayaran ko – ayos! 🙂 Pero hindi naman pwedeng walang makukutkot habang nanunuod ng sine, nagpabili ang mga kids ng popcorn.. Tig-isa sila pati drinks.. Ako, makiki-kutkot na lang sa mga popcorn nila.. hehe  ‘Di pa nagsimula ang movie, ubos na ang mga kutkutin.. 😛

Eastwood City

Maliwanag pa nung lumabas kami ng mall.  Balak ko na sanang umuwi agad pero nagyayaya pa mga kids – gusto pa rin sa Eastwood City.  Tutal eh minsan lang at mapagbigay akong tito that time, sige sakay ng taxi. Pasyal-pasyal sa Eastwood Mall.  Lakad-lakad at picture-picture sa Christmas Village sa may City Walk 2.  Sakto rin namang nagsasayaw ang fountain kahit medyo paambon ambon.

The Fountain Show in front of Eastwood Mall
Eastwood City Walk’s Christmas Village

Enjoy si Kuya at si Ate

Walang shuttle or biyaheng direchong Antipolo kaya dalawang sakay pa pauwi.  Jeep papuntang Ever Ortigas tapos FX pa-Antipolo.  Sablay lang dahil mukhang mahihirapan ang kids pero oks lang daw sa kanila – GOOD!.. 🙂  Kaya kahit wala pa ring tigil ang ulan (lumalakas, humihina) hanggang sa makauwi kami, ayos lang.. Enjoy naman ang chikitings..

And there it goes.. Instead of buying a PS3 or iPhone (kahit sobrang gamahal!) I opted to give myself a chance to treat my nephew and niece.  It’s priceless.. Paglaki nyo ako naman i-ttreat nyo.. 🙂

Advertisements

6 responses to “What I gave myself this Christmas?

  1. napakabait naman na tito. 😀

    atlist, nakapamasyal mode kayo at bonding moments. mas tipid pa kesa sa ps3 😀

    • ikaw na ang multi-tasker.. nagba-blog hopping pa huh!.. 😛

      syempre, bonding moments are priceless.. kaya kung ako sayo, treat mo na rin ate mo.. peace.. peace.. peace.. on earth.. hehehe

  2. Nagpa-picture pala ang pamangkin mo dun sa Ques-O Christmas Village sa baba ng building kung nasaan ang office namin. 🙂

  3. Yep. Sa E-Commerce oo na eh nakatago sa liblib na parte ng Eastwood.

  4. Pingback: And the ball keeps rolling: My 7 Links | Mapanuri

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s