Category Archives: Calda Pizza

Supersized Calda Pizza

Our cravings for pizza were granted one day in our office.  Meeting ata namin at tulad ng nakagawian, kelangan may food na pagsasalu-saluhan. TARAN! – ayan CALDA PIZZA.

Bakit CALDA PIZZA? – wala na kasing Yellow Cab, Shakey’s at Pizza Hut na malapit.
Anonymous 1: “Eh delivery naman ah.. ”

Anonymous 2: “Try natin yung Calda Pizza.. MALAKI yun.. Monster Pizza.. Masarap rin..”

Anonymous 1: “Never heard.. Okay whatever basta lamang tyan.. ”

Nagoopen ang store nila at 10AM at 12:30 pa raw darating ang delivery.  Wala naman kami magagawa kungdi maghintay.  Ang akala naming libre ay chip-in chip-in pala.  100Php each and we ordered 1 Super Trevi PIzza (30 inches — huwaw!) at isang Margherita Pizza (ata?) na Family.  Dapat at yung XtraSuper (36 inches – super huwaw!) na Pizza pero wala raw available na kahon for delivery.

Take a look at their menu:

Calda Pizza Menu (got it from their FB page but I think it's not yet updated)

Just call ’em up to ask for the updated price of the pizzas.

36" and 15" Calda Pizza - fits Jonah's workstation.. 🙂

Super Trevi

VERDICT:  Hindi ko masyadong nagustuhan pero dahil sa gutom, natripan ko na rin 🙂 It’s not as bad. Siguro hindi ko lang nagustuhan yung lasa ng olives.  Thin crust lang na hindi timitigas pag nahanginan tulad ng sa Jugno’s Pizza.  Though pag umabot pa ng mga 30 minutes to 1 hour, magiging piyaya na yung crust. 🙂

Margherita

VERDICT:  Eto na lang dapat yung Super na inorder dahil hindi nagdamot sa mozarella cheese.  Mas nagustuhan ko to at dahil ilang slices lang, dito ako nagfocus. hehe (takaw mode)

Umabot lang ng 1150Php yung bill and it’s a good choice of pizza kung may birthday na biglang naubusan ng handa. What more pa kung yung XtraSuper na pizza na good for 20 peeps siguro, mabobochog ang mga kakain. 🙂

Advertisements