Category Archives: Conti’s

A day @ Conti’s

After my craving for Paella (because of Babaeng Lakwatsera’s Conti’s blog), I decided to try it and asked my fellow bloggers – SpiderHam, Kwatro kanto and Babaeng Lakwatsera to come with me.  We communicated thru YM and boom! – I’ll meet them at 2PM since I was at home and I’m on leave 🙂

However, I fell asleep at around 12:30PM and woke up at around 2PM because Babaeng Lakwatsera is calling.  I ran to the bathroom and in 15 minutes, I left home.  Supposedly, we’ll go to Conti’s in Serendra (The Fort, Taguig) but we settle for branch in Greenhills.

I arrived 4PM due to heavy traffic in La Salle Greenhills. They should have a HUGE car park inside so they can accommodate all the vehicles coming in to fetch the students – after all, lahat naman ata ng estudyante nila ay may sasakyan.

ALAY LAKAD ang nangyari from Robinson’s Galleria to La Salle Greenhills then Greenhills Shopping Center hanggang Conti’s.  Guess what, naliligo lang naman ako sa pawis pagdating ko at tamang tama na ginutom ako.  Pagdating ko, nakaorder na sila mukhang GUTOM na GUTOM na haha.. Sabi ko kasi, I’ll take a picture muna ng mga pagkain bago nila galawin – ang malas lang, na traffic ako.. hehe 🙂

Eto na, presenting… (photos courtesy of my D40 Camera by yours truly.. ehem.. :))

Baked Macaroni

Panalo ang Baked Macaroni nila.  Tamang- tama ang timpla.  Mas nakagutom tignan dahil sa melted cheese. 🙂

Chicken Tocino

Akala ko nung una BABOY.. Tocino pala! hehe Order ni Kwatro Khanto pero nakitikim ako at swak na swak lang din sa panlasa. MASARAP!

Linguine in Pesto Sauce

May kasama pang garlic bread on the side. Hindi ako fan ng Pesto Pasta kasi para akong kumakain ng damo 🙂 pero masarap naman daw sabi ni Babaeng Lakwatsera. 195Php ang presyo.

Chicken Pastel

At eto naman ang inorder ko dahil sa inabot kong GUTOM sa paglalakad.  Dapat, Paella kaso bigla akong nagcrave sa manok kaya eto ang naglanding sa mesa ko. Swak na swak lang at SOLB na SOLB.. Yun na. Akala ko ay hindi ako mabubusog sa serving na nakita ko, 195Php ata yan – may kamahalan (o kuripot lang ako?.. :P) Pero mabigat sa tiyan.  Hindi lang MASARAP – tiyak na mabubusog ka pa.

Desserts:

 

Oreo Cheesecake

Isa pang masarap na cake na tamang tama lang – hindi masyadong matamis. 70php isang slice.

Moist Chocolate Cake

Hindi rin ako fan ng chocolate cakes – para kasing ang tamis tamis at sasakit ang lalamunan ko.  Tinikman ko rin at tama lang naman pala. Pero hindi na nasundan at sabi naman ni Spiderham, MASARAP 🙂 70Php isang slice.

Mango Bravo Frozen Cake

At eto na.. ang pinakahihintay ng lahat – MANGO BRAVO! Sulit na sulit ang 120Php/slice na presyo.  Good for 4 people na, san ka pa!? Maraming layers, may sans rival na may parang merenggue na may frozen mango syempre.  Hindi nakakaumay at nakakabusog rin.

Makikita ang Conti’s Restaurant sa Connecticut Street, Greenhills in San Juan Metro Manila.  Maliit lang ang loob ng restaurant at medyo masikip.  They also have other branches in The Fort (Taguig), Greenbelt (Makati), Parañaque City, Trinoma Mall, Sta. Rosa, Laguna, Alabang Town Center at Katipunan (Soon to open).  Please visit:  http://www.contis.ph/store-locator.asp for more details.