Category Archives: Kimono Ken

Food Trip: Kimono Ken

Yesterday after shift, I felt my stomach was craving for some food.  After a couple of minutes discussing, oh we didn’t have an actual discussion.. We just had the usual:

JanAc: “O San tayo kakain?… ”
Ako: ” hmmmmm…” Mcdo?

MarkBel: “Ang Layo!.. dyan na lang..”
JanAc: ” O san nga?..”

Ako:  “hmmmm…”

MarkBel:  #$%$*&%$&*&($!#$

JanAc: Okay..

There, NO discussion.. lol 😛 We just decided to go home. haha

But upon walking through the hallway outside.. *boom* KIMONO KEN!.. then we got ourselves in..

No one was there except for the crew who were all sitting at the corner chit chatting about something.  One of them approached us and handed over the Menu.  While waiting for the food, I took pictures inside for my blog. (yeah, first time ko.. hehe :P).  It’s always been a good feeling to eat in a Japanese resto.  I’m a fan of Japanese food but not with WASABI.. 😛

The place has enough space for group dinners or casual lunch meetings.  Their crew are all dressed up like japanese (of course!) and greet like japanese.

No other customers.. just us.. 🙂 and oh, the two students just arrived..

In no less than 10 minutes, the food was served.  Here’s what we had on our table.

Gomoku Ramen, 200Php

Order ni MarkBel.  Dahil nagda-diet raw sya (at isang certified GWAPO!) yan lang ang kakainin nya.  Lasang Lucky Me Chicken noodles daw pero naenjoy naman nya.  May kamahalan ang presyo marahil dahil sa location ng resto (Rockwell Business Center) at syempre Kimono Ken.

Asparagus Mayo Spaghetti, 190Php

Eto ang order ko! Mas pinili ko munang mag-pasta kesa ang the-usual rice toppings (katsudon to be specific hehe).  Sa picture pa lang mukhang masarap – pero masarap nga naman.  May bacon toppings, parsely and asparagus.  Hindi ko lang masyado nagustuhan ung mayonnaise dahil parang noodle with lady’s choice mayo ang lasa.  Nakakaumay at may after taste kaya nag candy ako pagkatapos. 🙂

Chicken Cheese Roll, 160php

This kind does not fail me – plus the dip? very tasteful!  6 pieces is not bad for 160Php. Order ni Billy with Gohan (rice, 40Php) on the side. (ang mahal nung rice!)

Pork Shogadon, 175php

Eto naman order ni JanAc.  Una akala ko beef pero PORK nga eh. 🙂 hindi ko natikman kasi hindi nang alok tong batang to.. hehe mukhang gutom at hindi naisip mag share.. haha kungsabagay ako rin naman.. lol 😛 Ako lang ang naumay sa mayo filled pasta..

Philadelphia Roll, 165php

Sa lahat ng MAKI na nakain ko, eto na ang pinakapanalo sa lahat. 🙂 Hindi naman ako madalas kumain ng maki pero sa lahat ng nakain ko, eto pinakamasarap.. (OO na nga.. kulit! :P) Hindi rin ako madalas kumain ng mga hilaw pero nagustuhan ko to. Curious question:  Bakit ba Philadelphia Roll at California Maki ang tawag sa ganitong klase samantalang sa Japan naman nag-originate to?

Time to bill out.  Umabot ng 979.82php ang total bill.  Unang reaction? MAHAAAAAL! apat lang kami pero umabot ng halos isang libo. Sadya lang siguro akong kuripot kaya ganyan ang reaction ko..  May Service charge rin na 6% kaya hindi na kami nag-tip.

Okay naman ang service, very accommodating ang crew at mabilis ma-serve ang food. I’d still prefer Teriyaki Boy over Kimono Ken when it comes to food selections and the taste. 🙂

Time to explore other restos in RBC Ortigas.. 🙂