Category Archives: Manila Scramble

Manila Scramble chills

Ang Iskramol ng Bayan

This is one of the newest food carts I’ve seen in a mall.  Usually kasi puro siomai, empanada, pizza, fruitaz, etc.  Though hindi naman bago tong scramble pero I was surprised na napenetrate na rin nya ang malls and street food pa ang concept.  Andyan na rin sa malls ang other street foods like fish balls, squid balls, chicken balls, kikiam, atbp.  No wonder na baka magkaron na rin ng mga banana-q, kamote-q, turon, palitaw, mangga na may bagoong, singkamas na nakalublob sa tubig sa garapon, pinya na ganun din ang lalagyan, at iba pa. 🙂

In fairness pag nagagawi ako sa stall nila sa Robinson’s Galleria ay tinatao palagi. Katabi nya yung Quickly kung ikukumpura ay marami laging bumibili sa Manila Scramble.  Una, dahil mura. Biruin mong 7php lang to! (small) 🙂 iisipin mong nasa labas ka lang ng eskuwelahan mo nung elementary at bumibili ng iskrambol.

Mura ngang talaga!

May mga toppings rin pandagdag sarap pero may dagdag bayad rin.

May toppings na choco krunchies 🙂

Masarap at kuhang kuha talaga ang lasa ng iskrambol. Maganda pa ung lalagyan at makakasigurong malinis.  Panawid uhaw at lamig. Tapos habang kumakain ka nito maaalala mo ung elementary days mo, na habang sumusubo ka ng iskrambol eh naghihintay ka ng service tapos pag hindi dumating maiiwan ka sa may gate kasi hindi ka pa marunong mag commute!.. 😛