Category Archives: Red Mango

Chill-ing @ Red Mango

After manuod ng STEP Up 3D tinry namin ang Red Mango.  It’s located at 2F Eastwood Mall at nasa medyo kasuluk- sulukan.

Red Mango in Eastwood Mall

First time to try kaya hindi alam ang oorderin 🙂 Puro yogurt pala ang sineserve dito na akala ko ay ice cream.  Gusto kong itry ung MANGO BERRY CRUSH, 155php – may KAMAHALAN lang talaga. Si Mere, tinry ang FROZEN YOGURT with CHEESECAKE, 135php.

Mango Berry Crush

Maasim-asim ang ice cream este yogurt – ewan lang at mukhang yan talaga lasa ng yogurt.. haha (napaghahalatang hindi kumakain ng yogurt! :P) Hindi naman kasi ako fan ng yogurt, ang alam ko lang na yogurt eh ung Nestle Fruit Selection Yogurt. Panalo yung mangga sa TAMIS at mejo frozen rin. Masarap ung combination, nakakarefresh talaga lalo na kung masarap rin ang kwentuhan.

Frozen Yogurt with Cheesecake

Dalawang pirasong CHEESECAKE! – parang ga-cheese stick lang.. Kung sabagay sa halagang 20php na topping eh yan ang makukuha mo.. Sampung Piso isang piraso!.. haha 😛 Medium Yogurt for 115php – MAHAL pa din! 😛 Natawa pa sa amin ung cashier, kasi pinipintasan namin ung CHEESECAKE na topping.. 😛

Pero kung kaya naman ng bulsa mo at hindi ka nag titipir, okay lang naman.  Gusto ko yung ambiance sa loob, malinis walang masyadong abubot.  Tamang-tama ang tagline ng store nila, TREAT YOURSELF WELL.. – oo nga naman!

Advertisements